Buwan ng Wikang Filipino
“Wika natin ang daang matuwid”.
This was the theme for the month-long celebration of Buwan ng Wikang Filipino of our school, General Santos City
National High School. Since we have this month-long celebration of this event,
we are obliged to use Filipino language in speaking. So please let me translate
this post in Filipino.
Buwan ng Agosto sa bawat taon ay
hindi nawawala ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika bilang pagpapahalaga sa ating
Wikang Filipino. Inaalala din natin ang napakalaking kontribusyon ni Pangulong
Manuel Luis Molina Quezon, Ama ng Wikang Pambansa, sa pagbibigay-daan sa maayos
na pagkakaunawaan dahil sa binuo niyang Wikang Filipino.
Kahapon, Agosto 29, 2013, ay
nagkaroon kami ng tsansang ipagdiwang ito sa sarili naming paaralan. Masyang
dumalo ang bawat guro’t mag-aaral suot ang kani-kanilang magagarang tradisyunal
na kasuotan nating mga Pilipino. Upang hindi masayang ang kagandahan ng mga
kasuotan ay umikot-ikot muna kami sa loob ng paaralan bago pumasok sa bulwagan.
Pagpasok naming ay sumalubong sa amin ang nakakaaliw na mga bahay kubo na
pinaghirapan ng mga mag-aaral sa bawat baiting at taon. Sa loob ng mga kubo ay
ang mga nakakatakam na pagkaing Pinoy tulad ng mga prutas, kakanin at letson.
Naging masaya ang programa na mayroong
mga patimpalak sa mga katutubong awit at sayaw, balagtasan, slogan at poster
making. Naaliw kami sa galling na ipinamalas ng bawat kalahok. Nag-alay din ng
special number ang mga magagaling na SPA Kalingaw dancers.
Pagkatapos ng pagpapakitang gilas
ay pinarangalan na ang mga napiling pinakamagagaling sa bawat kategorya. Upang
makalahok din ang iba ay nagsagawa ng quiz bee na may kaugnayan sa tema at
buhay ng Ama ng Wikang Pambansa. Nagkaroon din ng pasasalamat sa mga dumalo,
panauhing pandangal at mga guro na naghanda para sa ikagaganda ng programa.
Tinapos ang programa nang isang panalangin.